Wednesday, April 18, 2007

fucking bubbles

once, he blew and made me bubbles. all of that easily popped except this one. it became so dear to me.. my happy bubble. i was amazed, it made me follow it everywhere it went and summer felt like forever. it made me forgot that it'll pop soon like the others. but the strong wind took it so high beyond cumuluses and out of the picture. raindrops began to fall.

and then he blows again..

Thursday, March 29, 2007

pagtuklas

kanina lang nang galing ako sa recollection ko. alam kong masyado na kami huli ng iba kong blockmates para kunin yun pero requirement eh. malungkot ako nung mga nakalipas na araw at hanggang ngayon, pero naglaho lahat ng ito nung nakapasok ako sa recollection room. kumakausap ako ng mga straghero kahit na madalas ko naman makita ang mga taong yun sa aming paaralan. nakilala ko sila ng pormal at masinsinan dun sa recollection room, nakakapagtakang di sila nailang magkwento sa akin ng mga buhay nila. sobrang lungkot din pala nilang mga tao. kala ko sila ang mga taong walang napakasaya at walang problema, ngunit katulad ko din pala sila. aking napagtanto na hindi ako nag-iisa sa mundo na malungkot.hirap din sila magtiwala sa mga tao katulad ko. (pero nakakapagtakang naikwento nila mga bagay bagay sa lagay na yun)ibinahagi nila sa akin ang mga karanasan nila kung bakit sila ganun, pero ako ay nakikinig lang sa kanila at nahihiyang ihayag sa kanila ang aking buhay. nakuntento na kasi ako makinig sa mga kwento nila. dapat mas kilalanin mo sarili mo para malaman mo ang tunay mong kaligayahan. at pag nagawa mo na yun, pwede mong ibahagi ang kaligayahan mo sa iba pag nagtagumpay kang mahanap ang kaligayahan mo. kung gayon, wala ng magiging malungkot na tao sa mundo.

Wednesday, March 28, 2007

more shit

sobrang nakakalungkot ang buhay.. kelangan gumawa ng desisyon na dapat iisipin mo ang kapakanan ng bawat isa.. sobrang hirap gumawa ng desisyon lalo na kung pagpipilian mo lang ay parehong lang din makakasakit ng mga tao.. ikaw na nga sumakit ng ulo sa pagpili ng tamang desisyon, ikaw pa din ang sasalo ng sama ng loob ng tao.. mahirap pagbigyan ang parehong panig.. sobrang sakit na ng ulo ko.. shit!

Tuesday, March 27, 2007

another shit

Ngayon alam ko na ano ibig sabihin ng Karma. May mga bagay na di mo maiintindihan hanggat di mo sya nararanasan. At sa kadami-daming salita, di ko maintindihan ang KARMA pa, kamusta naman?! Alam ko lang ang salitang iyon pero ngayon ko lang siya naitindihan ng mas ayos. Yung nagawa ko sa ibang tao, nagawa sa akin ng taong di ko inaasahan na siya pa magbabato ng ginawa ko dati. Walang pinagkaiba ang nagawa ko kay fil sa ginagawa sa akin ngayon ni marshie. At ngayon alam ko na ang naramdaman ni fil nung ginawa ko yun sa kanya. Aking napagtanto na maging mainggat dapat sa mga bawat kilos na gagawin at siguraduhin mo na wala kang masasaktan na ibang tao. Ewan ko, magulo ngayon ang aking pananaw kung dapat ba pakaisipin ang saloobin ng ibang tao sa ginagawa mo. Kasi kung di mo bibigyan halaga ang mararamdaman nila sa gagawin mo, masasaktan lang kayo pareho. At kung pagbibigyan mo sila, malaki ang posibilidad na di ka masisiyahan dahil di nawala ang iyong kalayaan gawin ang iyong gustong gawin. Ang gulo ng mundo, mahirap minsan magpakabait..

Sunday, February 19, 2006

Monday, January 02, 2006

blah

love is like a virus. it is contagious. it is best transmitted by direct conduct. the moment it infects a person, predictable symptoms appear. once a person becomes exposed to it, remains with the person. like a virus that can be weakened by an anti-virus, love may subside due to jealousy and misunderstanding. yet, like any other virus, love is capable of becoming active again when triggered.