pagtuklas
kanina lang nang galing ako sa recollection ko. alam kong masyado na kami huli ng iba kong blockmates para kunin yun pero requirement eh. malungkot ako nung mga nakalipas na araw at hanggang ngayon, pero naglaho lahat ng ito nung nakapasok ako sa recollection room. kumakausap ako ng mga straghero kahit na madalas ko naman makita ang mga taong yun sa aming paaralan. nakilala ko sila ng pormal at masinsinan dun sa recollection room, nakakapagtakang di sila nailang magkwento sa akin ng mga buhay nila. sobrang lungkot din pala nilang mga tao. kala ko sila ang mga taong walang napakasaya at walang problema, ngunit katulad ko din pala sila. aking napagtanto na hindi ako nag-iisa sa mundo na malungkot.hirap din sila magtiwala sa mga tao katulad ko. (pero nakakapagtakang naikwento nila mga bagay bagay sa lagay na yun)ibinahagi nila sa akin ang mga karanasan nila kung bakit sila ganun, pero ako ay nakikinig lang sa kanila at nahihiyang ihayag sa kanila ang aking buhay. nakuntento na kasi ako makinig sa mga kwento nila. dapat mas kilalanin mo sarili mo para malaman mo ang tunay mong kaligayahan. at pag nagawa mo na yun, pwede mong ibahagi ang kaligayahan mo sa iba pag nagtagumpay kang mahanap ang kaligayahan mo. kung gayon, wala ng magiging malungkot na tao sa mundo.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home